Thursday, January 30, 2014

gallstones: dahilan ng aking kalungkutan!!!

Bilang isang indibiduwal dapat tayo maging mapag-obserba sa ating katawan. Lahat ng tao mapabata man o matanda ay maaaring magkaroon ng gallstones. Base sa aking karanasan, mahirap magkaroon ng sakit isa s ating mahal sa buhay. Ang aking asawa ay isang seaman. Sa aking obserbasyon sya ay maselan sa mga pagkain at maalaga sa kanyang katawan tulad na lng ng pag-eehersisyo. Ngunit bakit ganito ang kinalabasa nya ngayon? myroon syang gallstones. natuklasan nmin ito noong nkaraang disyembre. Sya ay di nakasampa s barko dahil s karamdaman na ito. Gusto ng kanyang kompanya ay ipa-opera ito at para tanggalin ang gall bladder dahil nsa loob nito ang gallstones. Ayaw po naming pumayag kasi para s aming mag-asawa ay may epekto ito s kanyang kalusugan.

ang dami ngayong mga herbal medicines sa merkado kung kaya dami nming sinubukan kaso wala nmang nangyari. Masyadong magasto ang pagpapagamot halos katumbas n ng pagpapa-opera. Ang pinaniningdigan naming mag-asawa ay di matanggal ang kanyang gall bladder.

Ayon sa karanasan ng aking kabiyak ngayon ay mahirap daw ang ganitong kalagayan. Noong di pa nya alam n my gallstone sya ay paminsan-minsan dw sumasakit ang kanyang kanang tagiliran sa may baba ng kanang ribs n para daw tinusok ng karayom ang sakit tapos kanya itong didiinan ng kanyang siko at saka mawawala. kaya siguro ganito lng ang knyang nararanasang sakit ay dahil maliit pa lamang ito. Ayon s doktor na aming nakausap ay di nman daw masyadong dilikado ang gallstone lalo na kapag maliit pa lamang ito. Pero sa ating mga kababayaan na ang hanap buhay ay nasa ibang ibayo ng mundo lalo na daw po kapag seaman ay kinakailangan na matanggal ang bato dahil kung hindi daw ay kapag umatake ang sakit ay walang pain reliever n maaaring inumin para mawala ang sakit at maaari mo itong ikamatay.

Sa ngayon ako ay naguguluhan at nalulungkot ako s mga nangyayari ngayon sa aking mister. Hindi ko na alam kung sino ang aking paniniwalaan. At kung dapat na bang pakawalan naming mag-asawa ang aming paniningdigan na "natural na pagtutunaw s gallstones".